Posts Tagged ‘pinagmulan ng wika’

Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika

Sunday, April 17th, 2011
 
Malinaw na ipinahahayag sa Bibliya na ang wika ay kaloob ng Diyos. Sa mga relihiyoso, walang duda ito. Napakarami at napakasalimuot nga naman ng mga wika at halos kung hindi man perpekto ang pagkakaayos ng mga wika sa daigdig. Walang makagagawa nito kung hindi ang Maylalang ng lahat. Sa Bibliya pa rin, isinasalaysay kung paanong mula sa iisang wika, ang mga tao sa daigdig ay nagkaroon ng iba’t ibang wika. Pansinin natin ang isinasaad sa Genesis 11:1-9:
 
Sa simula’y iisa ang wika at magkakapareho ang mga salitang ginagamit ng lahat ng tao sa daigdig. Sa kanilang pagpapalipat-lipat sa silangan, nakarating sila sa isang kapatagan sa Shinar at doon na nanirahan. Nagkaisa silang gumawa ng maraming tisa at lutuin itong mabuti para tumibay. Tisa ang ginagamit nilang bato at alkitran ang kanilang semento. Ang sabi nila, “Halikayo at magtayo tayo ng isang lunsod na may toreng abot sa langit upang maging tanyag tayo at huwag nang magkawatak-watak sa daigdig.
 
Bumaba si Yahweh upang tingnan ang lunsod at ang toreng itinayo ng mga tao. Sinabi niya, “Ngayon ay nagkakaisa silang lahat at iisa ang kanilang wika. Pasimula pa lamang ito ng mga binabalak nilang gawin. Hindi magtatagal at gagawin nila ang anumang kanilang magustuhan. Ang mabuti’y bumaba tayo at guluhin ang kanilang wika upang hindi sila magkaintindihan. ” At ginawa ni Yahweh na ang mga tao ay magkawatakwatak sa buong daigdig, kaya natigil ang pagtatayo ng lunsod. Babel ang itinawag nila sa lunsod na iyon, sapagkat doo’y ginulo ni Yahweh ang wika ng mga tao. At mula roon, nagkawatak-watak ang mga tao sa buong daigdig dahil sa ginawa ni Yahweh.
 
 
Ang wika ay sistema ng mga simbulo na may ilang lebel ng organisasyon na binubuo ng ponetika (mga tunog), sintaks (ang grammar o balarila) at semantika (mga kahulugan). (more…)