Ayon sa Wikipedia, language is a system of communication that enables humans to cooperate. Ang depinisyong ito ay nagbibigay-diin sa panlipunang tungkulin ng wika at sa katotohanang ginagamit ng tao ang wika upang magpahayag at imanipuleyt ang mga bagay sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay maiuugnay sa pag-aaral ng wika sa pangksyonal o pragmatik na pamamaraan, maging sa sosyolingguwistika at lingguwistika-antropolohiya. Sa pilosopiya ng wika, ang mga pananaw na ito ay kadalasang iniuugnay sa mga akda ni Wittgenstein at sa mga pilosopo sa wika tulad nina Moore, Grice, Searle at Austin.

Mahalaga ang gampaning-papel ng wika sa ating buhay, ngunit dahil lagi na natin itong ginagamit, hindi natin gaanong naoobserbahan ang tungkulin nito. Natural na lamang sa atin ito, tulad ng ating paghinga at paglakad. Ang pagkakaroon ng wika ay isang katangiang ikinaiba ng tao sa mga hayop. Totoong ang mga hayop ay may sariling paraan ng komunikasyon sa mga kapwa hayop, ngunit iba ang wika ng tao. Sa Language, Culture, and Society ni Salzmann (sa Tumangan, et al., 2000), tinukoy niya ang mga ikinahihigit o ikinalalamang ng wika ng tao kaysa sa hayop. Ilan sa mga ito’y ang kalawakan ng saklaw ng wika ng tao at ang antas ng kakayahang maituro ito sa iba. Bukod dito, tinukoy pa ni Salzmann ang gamit ng wika sa mga hayop. Sinabi niya, it is important to their survival. Sa tao, higit sa survival ang tungkulin ng wika.

Ang wika ng tao ay kakaiba kung ihahambing sa ibang anyo ng komunikasyon tulad nga ng sa hayop. Ang wika ng tao, ayon nga sa Wikipedia, allows humans to produce an infinite set of utterances from a finite set of elements, and because the symbols and grammatical rules of any particular language can only be acquired through social interaction. Samantala, ayon sa mga siyentista, ang sistema ng komunikasyong ginagamit ng mga hayop ay limitado lamang sa finite number of utterances at halos lahat sa mga ito ay genetically transmitted. Kakaiba rin ang wika ng tao dahil sa komplikado nitong estruktura na nag-ebolb upang matugunan ang higit na malawak na tungkulin kaysa iba pang anyo ng sistemang pangkomunikasyon.

Sa Explorations in the Functions of Language ni M.A.K. Halliday (1973), binigyang-diin niya ang pagkakategorya sa wika batay sa mga tungkuling ginagampanan nito sa ating buhay.

1.      Interaksyonal ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag, pagpapanatili at pagpapatatag ng relasyong sosyal sa kapwa tao. Di nga kasi, ang tao ay nilikhang panlipunan (social beings, not only human beings). Sa pasalitang paraan, pinakamahusay na halimbawa nito ang mga pormularyong panlipunan (Magandang umaga, Maligayang kaarawan, Hi/Hello at iba pa), pangungumusta at pagpapalitan ng biro. Sa pasulat na paraan, pinakamahusay na halimbawa nito ang liham-pangkaibigan. Ang pakikipag-chat sa mga kaibigang nasa malalayong lugar o sa isang bagong kakilala ay maihahanay rin sa ilalim ng tungkuling ito.

 2.     Instrumental ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan. Nagagamit ang tungkuling ito sa pakikiusap o pag-uutos. Ang paggawa ng mga liham-pangangalakal (business letters) ay isang mahusay na halimbawa ng pamamaraan upang matugunan ang ating iba’t ibang pangangailangan. Halimbawa, kung kailangan mo ng trabaho, kailangan mong gumawa ng application letter, bukod sa iba pang requirements.

 3.      Regulatori ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao. Sa madaling sabi, ito ang pagsasabi kung ano ang dapat o hindi dapat gawin. Pinakamahuhusay na halimbawa nito ang pagbibigay ng direksyon, paalala o babala. Ang mga panuto sa pagsusulit at mga nakapaskil na do’s and don’t's kung saan-saan ay nasa ilalim ng tungkuling ito.

 4.     Personal naman ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon. Sa mga talakayang pormal o impormal ay gamit na gamit ang tungkuling ito. Samantala, ang pagsulat ng liham sa patnugot at ng mga kolum o komentaryo ay mga halimbawa nito sa pasulat na anyo.

 5.      Imahinatibo naman ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. Makikilala ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga idyoma, tayutay, sagisag at simbolismo. Gamitin ang tungkuling ito sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula, nobela, maanyong sanaysay at maikling katha.

 6 at 7.            Heuristik ang tungkulin ng wika na ginagamit sa paghahanap o paghingi ng impormasyon. Kabaligtaran nito ang tungkuling Impormatibo na ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon. Samakatuwid, ang pagtatanong ay heuristik at ang pagsagot sa tanong ay impormatibo (maliban kung ang tanong ay sinagot sa pamamagitan din ng tanong na kinagawian na yata ng marami). Ang pagsasarbey ay heuristik at ang pagsagot sa survey sheets ay impormatibo. Ang pakikipanayam at pananaliksik ay iba pang halimbawa ng tungkuling heuristik. Ang pag-uulat, pagtuturo at pagpapasa ng ulat o pamanahong-papel naman ay mga halimbawa ng tungkuling impormatibo.

Samantala, sa Uses of Language, binanggit ni Frank Smith (1977) ang kanyang mga sumusunod na puna:

1.   Higit na napag-aaralan ang wika sa mga tunay na karanasan sa komunikasyon.

2.  Ang kasanayan sa isang tungkuling pangwika ay hindi nangangahulugan ng kasanayan sa iba pa.

3.   Hindi lamang isang tungkulin/gamit pangwika ang nagagamit sa isang pagkakataon. Maaari ring dalawa o higit pa.

4.  Kailangan ng nagsasalita ang tagapakinig at kailangan ng nagsusulat ang mambabasa.

5.   Isa lamang alternatibo ang wika (pasalita at pasulat o mga paraang berbal). Madalas upang maging higit na mabisa ang komunikasyon, kinakailangang gamitin ang kumbinasyon ng wika (berbal) at ng iba pang alternatibo tulad ng pagsasakilos, pagkumpas, pagsasalarawan at ekspresyon ng mukha (mga paraang di-berbal).

Author’s Notes: This may be the most plagiarized portion from my books (aside from “Mga Uri ng Tagapakinig) especially by authors from the regions who themselves teach intellectual honesty in Filipino 2 in college.  A lot of Filipino textbooks make reference of Halliday (and even citing my own original examples enumerated in my books) without citing my work in the text. A quick examination of their Bibliography will reveal that Halliday is nowhere to be found, but instead, my book from which they lifted this appears, hence, the false claim of referring from Halliday, while in reality and in fact, this was accessed from my work. This is a clear case of plagiarism through insufficient acknowledgement, which could have easily been cured by recasting the introductory paragraph in this wise:

Sa “Explorations in the Functions of Language” ni Halliday (1973, sa Bernales, et al., 2002) binigyang-diin ang pagkakategorya sa wika batay sa tungkuling ginagampanan nito sa ating buhay…

While lifting unsubstantial portions from my works for publication and/or research purpose/s is not objectionable, proper and complete attribution is expected. However, lifting substantial portions from my books for the same purpose my books were published without my consent is entirely a different matter. It is of course objectionable as it constitutes an infringement of my copyright.